Thursday, September 9, 2010

Pareja at Yu Pinarangalang G. at Bb. Kasuotang Pinoy


Pinarangalan bilang G. at Bb. Kasuotang Pinoy sina G. Alan Pareja at Bb. Blanche Yu na pawang estudyante sa Departamento ng Edukasyon sa naganap na kulminasyon ng Buwan ng Wika, St, Peter’s College, syudad ng Ormoc ika-27 ng Agosto, 2010.

Nasungkit ni G. Alan Pareja nasa ikaapat na taon sa kolehiyo ng kursong Bachelor in Elementary Education ang titulong G. kasuotang pinoy, ginawad naman ang titulong Bb. Kasuotang pinoy kay Bb. Blanche Yu na nasa ikatlong taon ng kursong Bachelor of Secondary Education .

Ang paligsahan ay isinagawa bilang pagdiriwang sa pagtatapos ng buwan ng wika na nilahukan naman ng iba’t-ibang kalahok mula sa iba’t-ibang departamento. Ito ay hinusgahan nina Bb. Gretchen Yan, G. Jestel Martinez at Bb. Liezel Malinao mga propesyunal na nagmula sa bakod ng SPC.

Pinangunahan ito ni Gng. Flordeliza Navarrete, dekana ng asignaturang Filipino. Kasabay ng aktibidad ang pagbibigay parangal sa mga Honors students ng nakaraang taon na pinangunahan naman ng dekana say unit ng tersarya na si Sr. Therese Bulatao, OSB.

1 comment:

  1. oh??? i thought it was not the attire being judge at that time.. if that was the case.. nag pa bonggahan nalang sana ng attire!!!

    ReplyDelete